Home › Ringtones › Tarya - Mhot

Tarya - Mhot

free ringtone for iPhone & Android phones

@Hilda
17
30 Sec

Tarya - song lyrics

Teka, magkano ba yan, ba't parang talo naman
Tinatantsa sa gaan o kinakapa pag nagkakasukatan
Sanay yan sa kalakalan, dala lang ng kapakanan ng tama daw na nakakatakam
Pag walang wala na ay para-paraan

Pano

Kapag salat na sa magkano habang naaatat pa lalo
Hahanap ng aparato, anumang panapat sa gramo
Na dahilan kung ba't ganado, pahirapan na ang magbago
Kahit buto't balat na nga o maging patpat sa kakapalo

Tila giyang na nga, madiin ang panga
Palakad-lakad ang hindi mapigilang paa
Palaging abala, hindi mapakali kapag walang ginagawa
Na dilat ang mata at pinalalala ng tama na parang sya pa ang dinadala
Kahit ang pagkabaon ay 'di na madama kung tila umaangat sa ilang baba

Kaya sabik makalanghap, san ba nanggaling yang sangkap
Malamang ay limpak-limpak ang mga salaping natatanggap
Bagama't mga malaking isda man, 'di naman kayang malambat
Kung madali nang mabili ang makapangyarihang kasabwat
What

Sino ba ang tunay na salarin
Sino, sino
Sino ba ang tunay na salarin
Sino, sino
Sino ba ang tunay na salarin
Silang pumupuksa o baka sila-sila rin

Sino ba ang tunay na salarin
Sino, sino
Sino ba ang tunay na salarin
Sino, sino
Sino ba ang tunay na salarin
Silang pumupuksa o baka sila-sila rin

Naturingan ka nang mainit, bakit pa tinatangkilik
O sa maling nakasanayan, tawag ng tama ang namimilit
Ngunit para san pang matamaan na parang malawak ang pag-iisip
Kung ang marami nang nalalaman ang madalas na pinapatahimik

'Di mapigilang hayok, malabo nang makatanggi sa alok
Inaabot ng hating-gabi, daig pa nagtitinda ng balot
Nakakayamot na kahit maraming pinapanagot, bakit ganon
Hanggang ngayon madumi ang tingin maging sa napatunayang gamot

At anumang tino mo, mahirap magpakasiguro
Sa panahong tinutuluyan maging kasalukuyan nang sumuko
Kahit mali lang ang naturo o kung sa inosente napatutok ay ililibing na lang sa kasinungalingan na asunto

Kung sa natitira na mabubuti pa, mananatili ang saludo
Ngunit hindi sa mga pinahintulutan lang na mas naging abuso
Kaya ingat sa halik ni hudas, baka ikaw na ang nginunguso
Walang mau-mautak pag dinaan ka sa palit-ulo
Pakituro

Sino ba ang tunay mong kakampi
Sino, sino
Sino ba ang tunay mong kakampi
Sino, sino
Sa panahon ngayon, mag-ingat ka kasi
Madali nang magturo tapos ang hirap tumanggi

Sino ba ang tunay mong kakampi
Sino, sino
Sino ba ang tunay mong kakampi
Sino, sino
Sa panahon ngayon, mag-ingat ka kasi
Madali nang magturo tapos ang hirap tumanggi

Nakatikim ng sangkatutak
Kaya pagkahumaling ay mas lumalim na at nakiki-usap
Sa sandaling kaligayahan na kaya raw abutin ang ulap
Katawan na nangangailan hanggang sa may bibigay na utak

Pinipili ang piraso kung anong sa tingin nya ay panalo
Sa patingi-tinging silyado na pinipisil pag pinapaso
Tutuluyan pag ang puhunan ay 'di na nasisingil ng amo
Baka bangkay na yang lulutang kapag ang utang naging atraso

At kapalit lamang ng salto, yang buhay mo nakapusta
Kung tatakbo't magtatago pa ay san ka magpupunta
Kapag ang nag-aangkat ay palpak na magpakubra
'Yang mga nagbabagsak din naman ang magtutumba

Top 100 GTA5 Ringtones
Top 100 League of Legends Ringtones
Top 100 World of Warcraft Ringtones

Similar ringtones:

30
@Joud
0
I never really thought you'd be so cruel Leaving me alone here like a fool I always thought I loved enough for two So i kept running back to you There always something better out there Theres always some moment That you won't share But I am the one whos left behind When all the lights have died outside I'll be waiting I'll be waiting I'll be waiting I'll be waiting I'll be waiting Chasing dreams i'm chasing you When deep inside I know the truth Still i'm running running running after you Still i'm running running running after you Still i'm running running running after you Still i'm running running running after you Still i'm running running running after you Still i'm running running running after you Still i'm running running running after you Still i'm running running running after you
MORE...[+]
Top 100 Minecraft Ringtones
Top 100 Game Bgm Ringtones
Top 100 PUBG Ringtones
Top 100 Genshin Impact Ringtones
Top 100 Fortnite Ringtones

More ringtones from Mhot:

30
@Felicia
255
Dalawampung taon, panahon na yata to ng pagtitino Nais ko lang ibahagi ang mga bibihira ko lang mai-kibo Mga alaalang Ginto sa anuman na naging kabanata nito Ang pag-ibig sa bawat ugnayan ang kayamanan na syang naitatabi ko Simula sa babaeng nagsabi sa akin na dapat ay manindigan ako Katwiran nyang wag mong pamamarisan ang pang-iiwan ng ama mo Maraming salamat sayo, paumanhin na rin kung napa-aga ako Eto ako't dala ko ang pangaral mo, karga ang mahal mong apo Wala mang haligi, lubos ang tyaga mo sa akin Sa paghalili nyo na parating nar'yan lang, maging sa mga t'yahin Sa lola at nobya kong nagtiis sa'king perwisyong kung susumahin Ay kasing dami rin ng sakripisyo nyong ang pasaway na to'y mas unawain Mga lumaking kasabay, pinsang-buong naghiwa-hiwalay Sa ngayong naghahagilap sa mundong magulo kung anong ikatitiwasay Ngunit ang nasa isip ko ay marating man ang hindi akalain Sa paglalakbay, nasa lilingunin pa rin ang magagandang tanawin Mga kababata, kasa-kasama at mga nakalaro kong kapwa pikon Maging sa mga nakilala ko sa paggawa ng mga maling desisyon Sa una kong subok, mga nakitawa at kakuntsabang naging saksi nung Paubo-ubo pa ko sa unang buga at pagsusuka ko sa unang inom Kapuyatan, laging konsumisyon sa mga tanod Mga kaklaseng kasabay kong umuwi pag tumatawid dun sa bakod Mga katrabahong kautangan at kapangakuan tuwing sahod Silang mga kasangga kong sa kalokohan, nagpapakapalan ng apog Mga kasindihan kong magdamo, kabilang na ang ilang 'di tumino Na sa dating halaman lang, nung nalasahan na ang kemikal 'Di na nagawa pang huminto Mga alok nyo man ay aking nabigo, nawa'y ipagpaumanhin ninyo Sa halip, tanawin nyo na pagkasagip ang naging kapalit ng pagtanggi ko At sa ngayon, kamustahan na lang, napabuti man o mas nalulong Tanguhan na lang sa mga pagkakataong sa daan ay magkakasalubong Dala ko pa rin ang naranasan ko no'n, marating man ang 'di akalain Higit sa destinasyon ay nasa paglingon pa rin ang magagandang tanawin Mga alaalang nasa litrato o mga imahe na nasa isip Baliktanaw kong tinatrato bilang mga buhay na panaginip Na kadalasan kong sinisilip sa mga oras na matahimik Tanging nananatili kong baon sa pabago-bagong paligid Marating man ang kaibuturan ng mga pangarap mong kinasasabikan Wag mong kakalimutan lahat ng nasa 'yong pinagmulang 'di mapapalitan Dahil ang iyong matututunan kung sakaling dumating ka sa kasawian Wala ka mang mapatunguhan ay mayroon ka namang mababalikan
20
@Joline
102
Ilan na ang panalong inuwi, 'di na para magkunwari Minsan na rin akong muntikang masawi at Natutuklasan pa mga dapat alamin na nalilikom sa sarili kong mali Kakompetensya sa laro ang kahit sinong katabi Dami ritong magaling, kasabay kong magpunyagi Ngunit sa t'wing nag eensayo sa malalim na gabi Dun ko na naririnig ang pinaka mahusay kong katunggali, ugh Kaliwa't kanan na patugtog Malaking kahang nadagadundong Sulitin ang pagkakataong 'to Nakatutok na lahat sa'yong pagtungtong Kaliwa't kanan na patugtog Malaking kahang nadagundong Sa paghingang mapapabuntong Ibuga mo na rin ang kumpyansa mo Kaba sa dibdib, mabigat na bitbit, sa gitna nakatayo Kasabay ng balahibong nagsisitindig, nakakahindik parang nag-iibang anyo Kapag sinimulan nang bagsakan ang himig at bayo Bahala na silang nakikinig sa pagsalo Hindi ko na alam sinong sang-ayon At hindi sa samu't-saring indak na nakikita ng mata ko Mga ilingan at tango Pakikisalamuhang nakikipagpakiramdaman din ng patago Sa hindi man kakilala o 'di ko katalo Nakakubli lang ang gigil sa loob na daigin kahit sinong kalahok Kumpulan man sa dami ang mga duda sa'kin Masasabi kong basta, 'di na para bilangin Kasi pag 'di na matantsa Lalo 'kong ginaganahang ipakita pa ang 'di rin nila sukat-akalain Apoy ang kada punto para sa lahat ng tengang nakatutok Kung may panibugho man o galit, hayaan na matupok Sa ilong na lang nila palabasin ang usok, hmm Mga waging tinangay, pagdating sa patagisan naging panabay At matapos kong kunin ang panalo, nakikipag lamano Pinapakita ko lamang kung pano Yung 'panis, kinamay' Kaliwa't kanan na patugtog Malaking kahang nadagadundong Sulitin ang pagkakataong 'to Nakatutok na lahat sa'yong pagtungtong Kaliwa't kanan na patugtog Malaking kahang nadagundong Sa paghingang mapapabuntong Ibuga mo na rin ang kumpyansa Ito'y hindi lang pag-aangas sa tunog Bilang pinagtibay at nagbanat ng buto Ito'y pagpapakita lang ng lakas ng loob ng nagsunog ng kilay bago magtaas-noo Naging hasa at subok na may balanseng natutunan Upang kalkulahin ang katangian ko na lulan Naitalang galing mas higitan at talikuran Kasabay ng harapin din ang sariling pagkukulang Malimit na matumal sa aktibong ehemplo Estudyanteng mahiyain, nakatikom lang pero potensyal ay sikreto na naging ibang klase pa rin at malikhain sa likod ng kwaderno Sa daming nabuo, nagamit na udyok Alanganin na kutob sinabay sa'king paglunok Kada mainit na laban, talagang pinagpuyatan Nagsisilbing katunatayang inalay pawis at dugo Mula sa katiting hanggang maging dagsa Gutom at gigil na mas nagningas pa Nung umpisa ay 'sino to', hanggang gawing paksa Nakasungkit ng titulo, wala pa ring mantsa Sa bilang ng mga waging naitakda Masawi man, may maiiwan pa ring tanda Pagkat aking marka, nakadikit na sa pangalan, kinilala sa sulat, tila naging lagda Kaliwa't kanan na patugtog Malaking kahang nadagadundong Sulitin ang pagkakataong 'to Nakatutok na lahat sa'yong pagtungtong Kaliwa't kanan na patugtog Malaking kahang nadagundong Sa paghingang mapapabuntong Ibuga mo na rin ang kumpyansa mo
MORE...[+]

Set Tarya ringtone on an Android Phone:

1. Select Download Ringtone button above.
2. Go to Settings app.
3. Select Sounds & Vibration.
4. Select Phone ringtone.
5. Select Ringtone from Internal Storage.
6. Click the Apply button.
So after only a few basic steps, you have successfully done the default ringtone on your phone running Android operating system with the pop songs you want.



Set Tarya ringtone for your iPhone:

1. Select Download M4R for iPhone button above and save to your PC or Mac.
2. Connect your iPhone to your PC or Mac via its charging cable.
3. Launch iTunes and drag the .m4r to the Tones folder (Under "On My Device").
Hopefully, the guides for configuring ringtones for iPhones and Android phones will make it simple for you to replace the uninteresting default sounds on your phone with your own personal favorites.



Browse 5,000,000+ free ringtones by categories:

Thanks for letting us know
Your feedback is important in helping us keep the 1Ringtone community safe.
Close

X

#1 Ringtone App - top ringtones for free!

logo
Login with Google Login with Facebook

By joining, you agree to Terms of Service & Privacy Policy.

Upload a ringtone

You can upload MP3, WAV, M4A, OGG, M4R, ACC format files.

By selecting 'Upload' you are representing that this item is not obscene and does not otherwise violate Terms of Service, and that you own all copyrights to this item or have express permission from the copyright owner(s) to upload it.

Before uploading, please read our Privacy.