Aviso - song lyrics
May isang kwento ng gamu-gamo
Gustong lumipad sa langit na parang paru-paro
Ngunit sabi ng magulang sundin mo ang payo ko
Huwag maakit sa sinag na dala ng liwanag mo, yeah yeah
Baka masunog mga pakpak mo
Tandaan mong mainit tingin sayo ng tao
At ika'y biglang mahulog sa pag akyat mo
Bakit ba 'di ako sumunod sa mga plano, sa aviso mo
Ako ay nawala ngunit 'di ka lumayo
Noong ako'y basag ikaw pa ang bumuo
Mga payo mo'y nagsilbing ilaw ko
Para makita ko langit sa'king mundo
Inakay sa pagtayo mula sa pagyuko
Ika'y naging guro habang 'di ko pinakinggan ang turo mo
Pero sinalo mo ang lahat ng mga luho ko
Lagi, kang tama 'di lang ako nabilib
Turo sa'kin ng pagkakamali
Pagtaas magpakumbaba uli
Para di ka magsisi sa huli
Walang masasabi andyan ka para sa'min
Nagkabanggaan man tayo tuloy pa'rin ang byahe
Mabigat man pinapasang bagahe ika'y biniyayaan kaya pinagbibigyan lagi
Kela-ngan ko ng abiso mo yeah
Hinaha-nap hanap kalinga mo yeah
Pagkat kelangan makinig
Dapat makinig, dapat makinig
Para 'di magkamali kelangan makinig
Kelangan makinig
Dapat makinig, dapat makinig
Para 'di ako magkamali ulit yeah
Wala namang kaso
Kung masyado ka lang mabait pinalaki mo kami sa batas na hindi abusado
'Di nagmalupit inabuso ko lang kapag hindi ka na mahigpit
'Di ka parin nagbabago
Kahit ubod ako ng kulit natikman mo ang
Pait at sakripisyo kaya hindi maglalaho
Ang pag-ibig ko para sa'yo kaya salamat po
At kahit minsan wala kong pake
'Di uuwi ng gabi, iba na ang katabi
Pero sabi mo sumasalamin sa galaw namin kung pa'no mo kami pinalaki
Kaya pagharap sa salamin nakikita pa'rin tatay ko
Sa mga ginawa na masama sa'yo sayang ang pagkatalino
Kung 'di natutong rumespeto
Sa taas ng tingin sa sarili ang yabang
Na parang lutang sa daming hangin sa ulo
'Kala mo naman kung sino
Pero kung 'di dahil sa'yo wala ako dito
Buti nalang, may pader na bagong sasandalan
Yung matatag at 'di matitibag na palagi andyan
Para lang sa ilaw na mapanglaw
Yung dating pundido na ngayo'y meron ng tanglaw
Salamat po at hindi kayo sa akin bumitaw
Nakamit ko ang saya sa dahilang merong ikaw at
Kela-ngan ko ng abiso mo yeah
Hinaha-nap hanap kalinga mo yeah
Pagkat kelangan makinig
Dapat makinig, dapat makinig
Para 'di magkamali kelangan makinig
Kelangan makinig
Dapat makinig, dapat makinig
Para 'di ako magkamali ulit yeah
Ang daming diablong gustong puminta nitong imahe ko
Noong iniwan ng ama namin may birheng mariang tulad mo
Pagkat kelangan makinig
Dapat makinig, dapat makinig
Para 'di magkamali kelangan makinig
Kelangan makinig
Dapat makinig, dapat makinig
Para di ako magkamali ulit yeah
'My, 'my, 'my san po tayo? Saan tayo pupunta?
Teka teka teka. Bakit po tayo nasa loob ng bus?
Saka ba't dala natin yung gamit natin?
Eh hindi naman natin kasama si